"Felicidad"


“Felicidad”
ni Giline Leighanne Caracuel


Bawat isa sa atin ay may hinahangad sa buhay. Isa na rito ang kaligayahan. Napakalawak ng kaligayahan at saklaw nito ang emosyon ng isang tao mula sa simpleng pagkakutento hanggang sa malalim at masidhing kagalakan sa buhay, gayundin ang likas na pagnanais na magpatuloy ang kalagayang ito. Ngunit, ano nga ba ang tunay na kaligayahan? Saan ba natin ito matatagpuan? Paano ba natin ito matatamasa? Ito ba ay matatagpuan sa Diyos, sa pamilya, sa kaibigan, o hindi kaya sa ating sarili lamang? Ikaw? Ano ang kaligayahan para sa iyo?

Ako si Giline Leighanne Caracuel, isang simpleng mag-aaral na nasa ika-12 baitang at kasalakuyang nag-aaral sa paaralan ng Liceo de Los Baños. Kagaya mo, hangad ko rin ang kaligayahan. Lumaki akong hindi buo ang aming pamilya. Ang paghihiwalay ng aking ama at ina ay siyang pinakamasakit at pinakamalungot na pangyayari sa aking buhay. Dumating din ako sa puntong tinanong ko ang Diyos. Bakit kami nahantong sa ganito? Bakit ang dating pagsasamang matibay at buo ay napalitan ng poot at pagkadurog ng aking puso? Kaya’t bata pa lamang ako, namulat na ako sa mga bagay na nagtulak sakin sa tunay na kaligayahan. Kasabay ng aking paglaki ay ang paglawak ng aking pang-unawa at kamalayan sa sitwasyon ng aming pamilya.

Sa loob ng maraming tao at mahabang panahon, napatunayan kong sa Diyos ko lamang matatagpuan ang tunay na kaligayahang hinahangad ko. Dahil ako, at kahit ikaw, kapag nadama mo ang kaligayahan sa kanya, ang lahat ng bagay ay mapupunta sa mabuting kamay at doon mo matatamasa ang tunay na ligaya. Ang lahat ng mga katanungan ko at lahat ng mga dalangin ko ay binigyang kasagutan na niya. At kasabay ng paglipas ng panahon ay ang paghilom ng sugat sa aking puso. Ang dating lungkot na nadarama ay napalitan na ng saya. Bakit? Ito ay dahil tanggap ko na at malinaw na sa akin kung bakit nangyari iyon. Aking napagtanto na may dahilan kung bakit nangyari iyon. Bagamat ito ang pinakamasakit at pinakamalungkot na pangyayari sa aking buhay, ito rin ang dahilan kung bakit ko natamasa ang tunay na kaligayahan at masasabi kong ito ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Comments