"Fetus"


“Fetus”
ni Giline Leighanne Caracuel


Bawat isa sa atin ay biniyayaan ng buhay at mga karapatang pantao. Ibig sabihin, ito ay ating hiram lamang at wala tayong karapatang bawiin ito. Ngunit, may mga tao paring inaabuso ang kanilang kakayahan at isinasagawa ang tinatawag nilang “aborsyon” o pagpapalaglag. Ang aborsyon o pagpapalaglag ay ang sapilitang pagtanggal ng fetus o embryo sa matres ng babae na nagsasanhi ng kamatayan. Hanggang sa ngayon, ito ay mainit paring usapin sa ating bansa.
            Matatangpuan sa bibliya, aklat ng Exodo 19:13 ang ika-anim sa sampung utos ng Diyos; “Huwag kang papatay.” Bukod dito, isinasaad sa Batas Republika Bldg. 10368 o “Batas sa Reparasyon at Rekognisyon ng mga Biktima sa mga Karapatang Pantao ng 2013” na hinahalagahan ng Estado ang dangal ng bawat tao at tinitiyak ang ganap na paggalang para sa karapatang pantao. Tungo sa ipinahayag na polisiyang ito, ipinagbabawal ng Seksiyon 12 ng Artikulo III ng Saligang Batas ang paggamit ng tortiyur, lakas, karahasan, pagbabanta, intimidasyon, o anupamang ibang pamaraan na makasisira sa malayang loob at nag-aatas ng kabayaran at rehabilitasyon ng mga biktima ng tortiyur o mga katulad na praktis ng kanilang mga pamilya. Malinaw na ipinapahayag sa atin na sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, walang sinumang tao ang may karapatang pumatay ng tao o bumawi nito.
            Sa kabilang dako, sinasabing may magagandang dulot ang aborsyon o pagpapalaglag. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may malaking populasyon at sinasabi ng ilan na ang abosyon o pagpapalaglag ang solusyon upang maagapan ang lalong pagdami ng populasyon sa ating bansa.
            Ngunit ayon sa mga pag-aaral at mga dalubhasa, may mga komplikasyong maaaring idulot ng pagpapalaglag. Legal o ilegal man sa bansa ang aborsyon o pagpapalaglag, ito ay may panganib at masasamang epekto. Una na rito ang pelvic infection. Ang mga dumi mula sa cervix ay maaaring makapasok sa uterus at magdulot ng impeksyon sa pelvic region. Maaari itong malunasan ng anti-biotics, subalit may ilang kaso na kinakailangan pa ng repeat suction abortion. Maaari ding may maiwang blood clots sa matres o kaya ay mapunit ito dahil sa curettage. Posible ring magkaroon ng scarring ang matres dahil nagiging manipis at mahina ito, maaaring mauwi sa miscarriage sa mga susunod na pagbubuntis. Maaari ding makaranas ng placental problems o magkaroon ng low birth weight babies ang mga inang nagpalaglag. Matapos ang pagpapalaglag, karaniwan nakararanas ng post-abortive silence o ang pagkahiya, pagka-guilty, at takot na mahusgahan.
            Isinasaad na ang aborsyon o pagpapalaglag ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa buhay ng sanggol na nasa sinapupunan kundi pati na rin sa inang nagdadala nito. Tandaan natin na sa bawat aksyong ating gagawin suriin muna nating mabuti kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang sa ating sarili kundi pati narin sa ibang tao. Ngunit sa usaping aborsyon, katulad ng aking sinabi sa simula pa lamang, sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, walang sinumang tao ang may karapatang pumatay ng tao o bumawi nito; tanging Diyos lamang.

Comments