“Ang Araw na Dumating ang Espesyal kong Regalo"



“Ang Araw na Dumating ang Espesyal kong Regalo”
ni Romel L. Mondragon


Ang regalo ay isang bagay na binibigay upang ipakita ang pag mamahal ng isang tao. Maraming klase ng regalo, nariyan ang iba’t ibang klase ng damit, mga sapatos, o kahit ano na alam mong magugustuhan ng taong reregaluhan mo. Kadalasang ang regelo ay nakabalot ng makukulay na papel, paminsan minsan ay tinatalian pa ito ng isang laso. Ngunit hindi lahat ng regalo ay materyal na bagay lamang. May mga regalong pahahalagahan mo at mamahalin mo kahit hindi ito materyal na bagay.

Naalala ko noong ika-16 kong kaarawan. Sa walang kadahilanan at hindi ko malamang rason, ay bigla ko na lamang naisip na humiling ng isa ang kapatid. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan ngunit gustong gustong ng isang bunsong kapatid. Isang bunsong kapatid na pupuno sa puwang na nararamdaman ko sa sarili ko. Lumipas ang ilang mga buwan at at ang aking nanay ay tila ba may nararamdamang hindi tama sa katawan nya. Madalas ang kanyang pag kahilo, napapadalas na rin ang pag liban nya sa kanyang trabaho dahil masama raw ang pakiramdam nya. At ng dahil sa kanyang nararamdaman nakapagpasya syang mag pa bili ng Pregnancy Test upang malaman kung buntis sya. Naaalala ko pa noon na sinabi ko sakanya na wag muna dahil baka may sakit lang sya. Ngunit pinilit nya akong bumili nito. At laking gulat namin ng lumabas ang dalawa pulang guhit sa gitna ng Pregnancy Test na ginamit nya. Ngunit hindi parin sya nakumbinsi sa resultang nakita nya, agad syang nagpatingin sa isang espesyalista upang makumpirma kung tama ba ang resultang nakuha nya. Agad namang ginawa ng doktor ang Ultra Sound upang makita kung ano ang jilalaman ng kanyang sunapupunan. At laking gulat ng aking ina ng sabihin ng doktor na tama ang resulta ng Pregrancy Test nya totoo ngang buntis sya. Pag uwi ko ng bahay galing eskwelahan, isang malaking ngiti mula sa aking ina ang sumalubong sa akin. Agad kong tinanong kung positibo ang naging resulta ng check-up nya, at “oo” ang naging sagot nya. At agad kong naalala ang ginawa kong kahilingan noong aking kaarawan. Laking pasasalamat ko sa Diyos, dahil dinolog nya agad ang akin kahilingan.

Ilang buwan pa ang lumipas at patuloy ang pag laki ng sanggol sa sinapupunan ng aking ina. Patuloy rin ang mga chech-up upang maantabayanan namin ang kondisyon ng sanggol. Sa paglipas ng mga uwan na iyon ay hindi ko man lang naisipang tanungin kung kailan ang kabuwan ng ni mama. At isang araw naisipan kong tanungin kung kailan lalabas ang bagong miyembro ng aming pamilya. Laking gulat ko nang ang maging sagot nya ay Septyebre, ang buwan ng akin kaarawan, at sinabi rin nya malaking ang posibilidad na manganak sya sa mismong araw ng akin kaarawan. Labis labis ang tuwang naramdaman ko sa mga oras ng iyon. Nakakatuwa lamang isipin na ang regalong hiniling ko sa kaarawan ko ay matatanggap ko rin sa kaarawan ko. Ngunit medyo napaaga ang pangangak ni mama, nanganak ng ika-18 Septyembre. Labis labis ang saya sa aking puso sa oras na iyon.

Hindi sa lahat ng pagkakataon isang materyal na regalo ang makapag papasaya sa atin. Dahil minsan may mga regalong hindi natin aakalaing dadating at ibibigay sayo. Alam natin na sa pagtanggap ng regalo at nagiging masaya tayo. Ngunit hindi ko na ata makakalimutan ang araw na dumating ang pinakaespesyal na regalong maari kong matanggap sa kaarwan ko. Hindi man pera o bagong cellphone ang natanggap ko, pero wala nang papantay pa sa saya at ligayang naramdaman ko dumating ang kapatid ko sa buhay ko.

Comments