“Ang Araw ng Pagkabigay sa Akin ng Kompyuter”



“Ang Araw ng Pagkabigay sa Akin ng Kompyuter”
ni John Allen Ramilo


Enero 2016 nang humingi ako ng kompyuter sa nanay ko. Pinangako niya sa akin na ibibili niya ako ng kompyuter  kapag nagkapera na siya. Noong mga sumunod na buwan, ako ay naghintay sa kanyang pangako sakin at dahil baka magbago ang isip niya, hindi ko na siya kinulit. Nang dumating ang Agosto 2017, nakuha ko na din ang gusto ko.

Alas nuebe ng umaga nang umalis ang aking nanay upang mamili ng gamit. Ako ay nagtaka sapagkat napakaaga naman niyang umalis dahil madalas ay gabi na siya naalis. Nang dumating ang kinagabihan, umuwi siya ng may dala dalang malaking kahon. Ako ay natuwa sapagkat ang laman ng kahon ay isang kompyuter!

Dali-dali akong tumulong upang ayusin ang aking kompyuter dahil gustong gusto ko na ito magamit at pagkatapos nito, ako ay nagpasalamat sa aking nanay para sa isang regalong matagal ko nang inaasam. Simula noon, ako ay naging sobrang saya na sapagkat nakuha ko na ang bagay na pinakagusto ko.

Comments