"Galak"


“Galak”
Ni Holy Andrea De Paz


Iba’t-iba ang pananaw ng tao pagdating sa salitang kasiyahan. Maaaring para sa iba ay mababaw ang pagpapakahulugan sa kasiyahan. Ang iba naman ay nakikita ang kasiyahan sa lahat ng bagay. Habang ang iba ay pilit na hinahanapan ng kasiyahan ang kanilang mga ginagawa sa buhay. At mayroon ding hirap sa paghahanap ng kasiyahan. Ngunit para sa akin, ano ng aba ang kasiyahan?

            Ako ay tipo ng tao na mababaw lamang ang kasiyahan. Lahat ng gawin ko ay hinahaluan ko ng kasiyahan. Isang halimbawa nito ay noong nahiligan ko ang pagsasayaw. Bawat pagwawagi ay nagdudulot sa akin ng kasiyahan. Ang simpleng bagay na ito ay nagdulot sa akin ng matinding kasiyahan.

            Isa pa rito ay noong nabigyan ako ng parangal dahil sa saking pagganap sa isang theatre play. Labis akong nagalak at ipinagmamalaki ko ang aking sarili dahil hindi ko inaakalang makukuha ko ang bagay na iyon. At ako ay natuwa dahil napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko palang gumanap sa ganoong klase ng pagtatanghal.

            Ilan lamang iyan sa mga masasayang bagay na aking maibabahagi. Nais kong malaman ninyo na hindi lamang ang mga luxurious na bagay ang makapagbibigay sa atin ng kasiyahan. Ang kasiyahan ng bawat isa ay nakadepende sa ating sarili. Ito ay kug paano mo mabibigyan ng kasiyahan ang iyong sarili. Ito ay sa iyo magmumula at hindi sa iba.

Comments