"Halaga ng Pamilya"
ni Rose Ann Mendevil
Ang pinakamasayang araw na nangyari
sa buhay ko. "Noong mga panahong buo pa ang pamilya ko." Noong mga
panahong nagkakasama't masaya kaming namumuhay ng simple, noong masaya kaming
kumakain at nagtatawanan. Kay sarap balik balikan ang mga panahong nagdaan, na
tila isang bulaklak na muling namukadkad sa galak. Ngunit paano nga ba kung
ito'y mawala't matapos na? Maitutuloy pa ba ang mga panahong lumipas at nasira
na?
Dumating na nga ang araw, tuluyan ng
nasira't nawala ang saya ng nakaraan. Kay hirap palang sabayan ang agos ng
buhay. Kung sira na ang dahilan ng saya mong tunay. Paano pa nga ba maitutuloy
ang samahang binago na ng panahon. Isa sa pinakamasakit na naranasan ko. Noong
tuluyan ng nawala ang saya ng pamilyang meroon ako, na kahit na anong gawin kay
hirap ng ibalik. Noong namatay si mama. Ang sakit sakit pala, yong pakiramdam
na wala ng saya, yong halos sumuko kana. Ito'y isa sa mga dahilan kung bakit
tuluyan ng nawalan ng sigla, na parang punong nabalian ng sanga. Na kapag
natanggalan na ng isang sanga'y tuluyan ng nababago ang ganda. Ang hirap pala
talaga. Kapag wala ang isang ina, na laging handang alagaan at mahalin ka, na
kahit ilang beses ka ng naging dahilan ng galit at sakit niya, patulo'y at
patuloy paring nagmamahal at pinipigil ang sakit na kanyang nadarama.
Ngayong wala na siya, unti-unti ng
nagkahiwalay ang pamilya. Napahiwalay na kami sa aming ama, upang maipagpatuloy
ang pangarap naming pamilya. Ang matapos kami sa aming pag-aaral at tuluyang
makalaya at masuplayan ang pangangailangan ng isa't isa. Kaya kahit may dilim
na sumusulyap sa aming puso't mga mata. Ito parin kaming ipinagpapatuloy ang
buhay na ipinagkaloob niya, patuloy paring kumakapit sa nakaraang masaya,
patuloy na lumalaban sa buhay, unti-unting binubuo ang putol-putol na sanga ng
puno ng pamilya, at sa paraang ito natin masasabi ang importansiya at halaga ng
pamilya.
Comments
Post a Comment