"Karapatang Pantao"


"Karapatang Pantao"
ni Rose Ann Mendevil


Noong Disyembre 10, 1948 ay nagsagawa ng pangkalahatang pagpupulong ang bawat bansa upang maipahayag ang pandaigdigang pahayag ukol sa karapatang pantao. Isa parin sa pinakamaiinit na usapin sa panahon ngayon ay ang usaping karapatang pantao o mas kilala sa tawag na "Human Rights." Isang usapin na naglalayon na maipakita ang kahalagahan at karapatan ng bawat tao. Ang karapatang pantao ay itinuturing na mahalagang elemento ng karamihan, kung saan ito ay nagpapahintulot sa mga tao na mamuhay ng may kapayapaan at may dignidad. Pinoprotektahan din nito ang bawat indibidwal mula sa anumang pang-aabuso ng lipunan. Ang karapatang pantao ay nabibilang sa bawat indibidwal, at walang sinuman ang makakakuha nito. Ayon sa United Nations, ang karapatang pantao ay "unibersal at maikakait, malaya at hindi nahahati, at pantay at hindi namimili." Kaya nararapat na mabigyang pansin ang karapatan ng bawat indibidwal.

Ngunit nabibigyan pansin pa nga ba ang karapatan ito sa panahon ngayon? Isa sa mga isyung mas kilala ngayon na maaring naging salungat sa karapatang pantao ay ang tungkol sa kampanyang 'Laban kontra Droga' na itinatag naman ng ating kasalukuyang Pangulo na si President Rodrigo Duterte. Ayon sa kanya, ipinatupad niya ito upang masugpo at masolusyunan ang nagiging sakit ng lipunan, pagkasira ng buhay ng mga kabataan, at maging ang bawat pamilyang Pilipino.

Sa kabilang banda, nakakabubuti na mabigyan ng maayos na kinabukasan ang bawat kabataan, maging ang bawat pilipinong mamayan ay tuluyang maprotektahan na huwag kumapit sa isang ilegal na gawain. Ngunit isa sa paaran nila ay ang pagpatay ng sinumang taong konektibo sa ilegal na gawain (droga).

Maaaring parehas na pananaw ay may kani-kaniyang punto na ipinaparating. Ngunit, mas matimbang parin sa akin ang 'karapatang pantao' dahil maaaring dumarating tayo sa puntong gumagawa na tayo ng masama, ngunit hindi ibig sabihin ay may karapatan na ang sinumang tao na bumawi ng buhay. Sa mata ng Diyos ang pagpatay ay isang kasalanan. Kung iisipin, napakarami pang paraan para malunasan ang ganitong suliranin. Maaaring unahin munang resulbahin ang kahirapan, dahil ito ang dahilan kung bakit kumakapit ang mga tao sa ganitong uri ng gawain. Maaari ring magbigay ng pangalawang pagkakataong magbago ang isang tao, alam nating lahat na ang bawat tao ay may kakayahang magabago. Hindi yung basta basta na lamang tayo babawi ng buhay ng may buhay. Sa parang iyon, para narin nating ipinagkait sa isang tao ang kanyang sariling buhay at karapatan. Ayon nga kay Pope Francis, "Ang karapatan para mabuhay ay nangangahulugan sa pagpapahintulot sa mga tao na mabuhay at hindi pagpatay, pagpapahintulot sa kanila na lumago, kumain, mag-aral, pagalingin at pahihintulutan na mamatay na may dignidad."

Comments