"Programang K-12"


“Programang K-12”

ni Jerome Bantasan

Ang programang K-12 ay may hangaring mas lalong mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho kahit na hindi pa nagtatapos ng kolehiyo dahil ang kurikulum ng K to 12 ay ihahanda ang mga natapos ng Senior High School para makapagtrabaho. Makakakuha na sila ng Certificates of Competency (COCs) at National Certifications (NCs) kapag nagdaan sa TESDA Training Regulations. Dahil dito, lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay ng dahilan sa gobyerno na bawasan ang pampondo sa mga State Universities and Colleges (SUCs) o kaya naman ay mababawasan ang mga bayarin sa mga asignatura sa kolehiyo dahil ang ilang mga asignatura ay nakuha na ng mga estudyante sa Senior High School kaya naman wala dapat ikabahala ang mga magulang sa mga gastusin ng kanilang mga anak. Mayroon na ring pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagtrabaho o kaya’y magtayo ng sariling negosyo.

Kaya naman hindi lang mga mag-aaral ng mamamayang Pilipino ang magbebenipisyo dito kundi pati na rin ang bansa sapagkat dahil nga maaari nang magtayo ng sari-sariling mga negosyo ang mga nakapagtapos ng hayskul, mas rarami ang mga manggagawang Pilipino na siyang ikatataas ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ngunit sa kabilang banda maraming pamilyang Pilipino ang nahihirapan sa programang ito dahil dagdag gastos at madadagdagan din ang taon ng mga estudyanteng kagaya ko. Nahihirapan ako at nanghihinayang sapagkat kung hindi napatupad ang K-12 ako ngayon ay nasa ikalawang taon n asana sa kolehiyo sa aking napiling paaralan. Hinggil pa rito, ang daming gawaing hindi ko kayang gawin minsan. Gaya nga ng larawan sa itaas sumabog na utak ng estudyante dahil hindi na nya kinaya. Sana matanggal na ang K-12 dahil para sa akin, pahirap lang ito sa mga sususnod na henerasyon ng estudyanteng tutungtong ng Senior High School pati na rin sa mga magulang.

Comments