“Say NO to TRAIN LAW”


“Say NO to TRAIN LAW”
ni Romel Mondragon



Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o mas kilala sa tawag na TRAIN LAW ay napirmahan upang maging isang ganap na batas noong Desyembre 19, 2017, at nagging epektibo noong unang araw ng Enero sa taong kasalukuyan. Ang batas na ito ay naghahangad na maisaayos ang Sistema ng buwis sa ating bansa. Ang buwis na makakalap ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga karagdagang insprastraktura gaya ng mga karagdagang eskwelahan at ospital, paraan uoang makapagbukas ng mga mga oportunidad sa mga Pilipino. Ang batas na ito naghahangad ng pantay-pantay na trato sa pagbabayad ng buwis ng bawat Filipino. Sa madaling salita, ang mga Pilipinong kumikita ng mas mataas sa loob ng isang taon ay kinakailangang magbayad ng mas mataas na buwis at ang mga indibidwal na kumikita ng P250,000 kada-taon ay hindi na kinakailangang magbayad ng buwis. Ngunit sa kabila ng pagbaba ng buwis na binabayaran ng bawat indibidwal, ang buwis na nawala ay babawiin ng gobyerno sa pagpapatong ng karagdarang buwis sa mga pamilihin. Ang pagtataas ng buwis sa pamilihin ay nangangahulugan lamang na tataas din ang presyo ng mga ito.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng isang digital research firm na tinatawag na “Rsearch and Tech Lab”, lumabas na 94.08% ng kanilang 861 na respodante ay kinokonsiderang hindi talaga makakatulong ang nasabing TRAIN Law sa bawat mamamayan ng bansa. Sa katunayan ang batas ay binansagan bilang “anti-poor”, ngunit karamihan parin sa mga mamamayan ang isinantabi ito. Higit pa roon at 1% lamang ng kanilang respondante ang sumang-ayon sa batas.
Inilahad ng Philippine Statistics Authority, na ang inflation rate mula 5.2% noong Hunyo 2018 ay tumaas ng sa 5.7% sa buwan ng Hulyo 2018. Inaasahan din itong patuloy na tataas sa mga susunod pang buwan.
Kung mas susuriin ang naturang batas, malaki parin ang magiging epekto nito sa bawat mamayang Pilipino Halimbawa na lamang ay ang epektong mangyayare sa bawat taong hindi na kasali sa mga magbabayd ng buwis, kahit na hindi na sila kasali sap ag babayd ng buwis mahihirapan parin sila sa pagbabadyet ng kanilang kikitain dahil sa biglaang pag taas ng inflation rate sa mgapangunahing bilihin.
Maaaring maganda nga ang hangarin ng batas na nilagdaan at ipinatupad ng adminestrayong Duterte, ngunit magiging masyadong mataas ang eksoektasyong hinahand ng pangulo. Isang ay, walang kasiguraduhan na ang buwis na babayaran ng mga Pilipino ay mapupunta sa nasabing Build Build Build Project ng adminestrasyon.

Comments